Success Story: Roque Rabonza – Produkto ng GD Loan Academy

ROQUE RABONZA:  PRODUKTO NG LOAN ACADEMY…
“POSITIBONG pananaw o positive thinking, tyaga at sipag.”
Ito ang naging formula ni Mr. Roque Rabonza, isang loan agent ng Global mula sa Dasmarinas Cavite upang maging matagumpay sa pag-aahente.

September 2008 nang magsimula si Mr. Rabonza sa kumpanya at tulad ng ilan pang mga loan agent ay dumalo din ito sa Loan Academy upang lalo pang maragdagan ang kanyangkaalaman sa bagong kabuhayan.

Si  Mr. Rabonza ay dating telemarketer ng ibang loan company at nagtrabaho din bilang real estate agent.

Sa mga uri ng trabahong pinasok nito, nakita ni Mr.Rabonza na ang Global ang may pinakamagandang marketing strategy , simple at madaling ibenta kumpara sa ibang produkto tulad ng bahay , gamot at iba pa.

Para kay Mr. Rabonza, madaling ibenta sa tao ang produkto ng Global lalo pa sa nararanasang krisis sa pananalapi ng iba’t ibang panig ng bansa kung saan lahat ata ng tao ay nangangailangan ng dagdag na salapi upang matugunan ang mga pangangailangan personal man o negosyo.

Isa sa mga naunang kliyente ni Mr. Rabonza ay kamag-anak din nito kung saan natulungan nitong   makautang sa Global ng seaman’s loan sa halagang P75,000. Mula rito, naging sunod-sunod na rin ang kliyente ni Mr Rabonza at kasabay ng pagtulong nito sa mga nangangailangan ay lumalago rin at lumalaki ang kanyang kita.

Ngayon ay full time na si Mr. Rabonza sa Global at bilang payo sa mga nagnanais na subukan ang pagiging loan agent, sinabi nito na tanging sipag at tiyaga lamang ang kailangan upang tulad niya ay magtagumpay rin sa larangang pinasok. “Labanan natin ang Global and Economic crisis, always think positive, dito sa Global, magtiyaga ka lang may pera na.” pahayag ni Mr. Rabonza.