Success Story: Ayrene Tapel – From School Registrar to Full Time GD Loan Agent

FROM SCHOOL REGISTRAR TO FULL TIME GLOBAL DOMINION LOAN AGENT

“FINANCIALLY wise and very compensated lahat ng efforts,”

Ito ang naging paglalarawan ni Ms. Ayrene Tapel, isa sa mga top agent ng Global Dominion Financing Incorporated (GDFI) sa apat na taon nitong pagiging loan agent ng kumpanya.

Si Ms. Tapel ay dating school registrar ng FUKOMOTO  International at kumikita ng P25,000 monthly  wala pa rito ang overtime.

Bagamat kumikita ng above minimum sa dating trabaho ay iniwan ni Ms Tapel ang pagiging school registrar upang seryosohin  ang pagiging loan agent sa GDFI.

“Major decision iyon para sa akin, pero hindi ko pinagsisihan dahil ang kinikita ko bilang school registrar sa isang buwan ay kikitain ko lang ng dalawang araw sa Global,” pahayag ni Ms Tapel.

Aniya nadiskubre nito ang GDFI sa isang advertisement sa newspaper kung saan nagsasabing  “maaring kumita ang isang tao ng mahigit sa P50,000 sa loob ng isang buwan ,”

Agad namang nahikayat ng advertisement si Ms Tapel at noong araw ding iyon ay bumisita ito sa pinakamalapit na tanggapan ng GDFI  dumalo sa isang orientation.

Sa simula aniya ay  pinagsabay nito ang pagiging school registrar at pagiging loan agent at agad niyang nakita ang malaking kaibahan.

Hindi aniya siya nahirapang  abutin ang P50,000 kita sa loob ng isang buwan dahil napakadali namang ibenta ang produkto ng GDFI kaya’t agad siyang nagdesisyong iwang ang pagiging school registrar at mag-full time bilang loan agent.

Sa ngayon ay kumikita si Ms. Tapel ng mahigit P50,000 buwan-buwan at may mga tao pa itong natutulungan.

Sa pagiging loan agent aniya ay hawak nito ang kanyang oras at hindi kahit nasa bahay ay pumapasok ang kita nito.

Ipinagmalaki din ni Ms. Tapel na dahil sa Global ay nagkaroon ito ng sariling sasakyan at lahat ng gamit sa loob ng kanyang bahay ay mula lahat sa kanyang kinita sa Global.

Dahil din sa Global ay hindi ito nahirapang pag-aralin sa kolehiyo ang panganay na anak na ngayon ay nag-aaral sa University of Sto Tomas (UST) at kumukuha ng kursong pharmacy habang ang tatlo pa nitong anak ay nasa high school naman sa Trinity.

Para sa mga nagnanais na maging katulad ni Ms Tapel na kumikita ng mahigit P50,000 kada buwan ito ang kanyang maipapayo.

“To stay in this business, kailangan may tamang attitude ka, bawal ang mag-give up, if you have desire to earn, you should be willing to work,” payo ni Ms. Tapel.

Mas mabuti rin aniyang alamin ang isang loan agent ang pasikot-sikot ng negosyo at maging honest sa mga kliyente.

Bukod dito, importante rin umano sa isang loan agent ang nag-eenjoy ito sa kanyang trabaho.