GDFI Opens Two New Branches
DALAWA pang sangay ng Global Dominion Financing Incorporated (GDFI) ang halos magkasabay na binuksan ngayong taon upang
magbigay ng serbisyo sa ating mga kababayang nangangailangan ng tulong pinansyal.
Mula sa Metro Manila at iba pang bahagi ng Luzon, binuksan narin ang sangay ng GDFI sa Baliwag, Bulacan at sa Mandaue, Cebu.
Ang karagdaganga sangay ay kasalukuyang pinangangasiwaan ng mga pili at trained na tauhan ng GDFI mula sa Metro Manila.
Matatagpuan ang tanggapan ng GDFI sa Bulacan sa ikatlong palapag ng Juzmag building, Poblacion at pinangangasiwaan ni Michael Barcelona.
Si Michael Barcelona ay dating Account Officer, well-trained at dumaan sa lahat ng departamento ng Global at dahil sa tiwala ng
kumpanya sa kanyang kakayahan ay itinalaga ito bilang Office in charge (OIC) sa Bulacan.
Ang tanggapan ng GDFI sa Bulacan ay pormal na binuksan nitong nakalipas na May 4, 2009, bukas ito mula Lunes hanggang Biyernes kaya
ano pa ang inyong hinihintay? Halina’t bisitahin ang aming bagong tanggapan.
Mula sa Central Luzon, tumawid dagat narin sa Visaya’s Region ang GDFI kung saan isang bagong sangay sa Mandaue , Cebu ang binuksan nitong nakalipas na May 11.
Matatagpuan ang tanggapan ng GDFI sa Cebu sa 2F Amadeo Bldg. 108 AC Cortes Avenue, Mandaue City.
Isang dating credit investigator na bihasa sa pagpapautang, istrikto at mabusisi sa mga detalye ang namumuno sa Mandaue branch sa katauhan ni Mr.Warren Labado.
Si Labado ay bihasa sa mga OFW loans at nagsilbi ng halos apat na taon sa sister company ng GDFI bago inilagay sa bagong
posisyon.
Katuwang ni Labado sa pagpapaunlad ng tanggapan ng GDFI sa Mandaue si Doreen Segundo, dating Marketing Assistant sa Munoz branch at ngayon ay tumatayong Marketing Officer sa naturang tanggapan.
Maingat ang GDFI sa pagpili ng mga tauhang mangangasiwa sa kanilang mga sangay upang masigurong magiging maganda ang takbo ng kanilang negosyo kung saan hindi lamang trained sa skills ang kanilang mga tauhan kundi trained din ang mga ito upang mag-train pa ng mga papasibol na agents.