GDFI arrives in the Panay Islands!
MAGANDANG balita sa mga kababayan natin sa Iloilo dahil ang Global Dominion Financing Incorporated (GDFI) ay bukas na sa inyong lalawigan upang tugunan ang inyong pangangailangang pinansyal.
Bunga ng matagumpay na negosyo at layuning maabot pa ang mga kababayang nangangailangan ng tulong sa Isla ng Panay, nagdesisyon ang pamunuan ng GDFI na magbukas ng sangay sa Iloilo.
February 2010 nang buksan ang sangay ng GDFI na matatagpuan sa ikalawang palapag ng Cristina Colonade Building, Rizal Huaverna St, Lapaz Iloilo City.
Magsisilbing Officer In Charge (OIC) ng GDFI-Iloilo branch si Guian Ablen na bihasa eksperto sa proseso ng GDFI.
Bago maitalaga bilang OIC sa Iloilo, masasabing nahasa narin ang kakayanan ni Ablen sa pamamagitang ng pagtatrabaho sa iba’t ibang sangay ng GDFI mula Ortigas, Makati, Harisoon Plaza, Baguio, Cavite at Baliwag.
Naging Marketing Officer din si Ablen sa Harisson Plaza na sa ngayon ay siyang pinakamalakas na kiosk ng GDFI.
Mula Marketing Officer, na-promote si Ablen bilang training officer na siyang nangangasiwa sa pagsasanay sa lahat ng Global Dominion agents sa iba’t ibang panig ng bansa.
Naging parte rin si Ablen ng organizing team para sa mga aktibidad para sa mga ahente ng GDFI.
Bihasa din si Ablen sa customer service, at agent development at kinilala bilang isa sa mga Best Trainors ng kumpanya noong 2009.
Ang pagbubukas ng sangay ng GDFI sa lalawigan ay bunsod na rin ng kahilingan ng mga borrowers at agents ng GDFI batay na rin sa impormasyong ang Iloilo ay maunlad na lalawigan, may mga sangay ng negosyo at maraming residente ang balikbayan .
Lumalabas din sa impormasyon na ang Iloilo ay lugar kung saan maraming residente ay seaman.