GDFI Dasmarinas Cavite moves to serve you better!
BUNSOD ng layuning maabot ang mas maraming kababayang nangangailangan ng tulong pinansyal sa pamamagitan ng pagbibigay low-interest loans, lumipat ng tanggapan ang buong team ng Global Dominion Financing Incorporated sa Dasmarinas, Cavite.
Ang bagong tanggapan ng GDFI ay makikita sa Babes Building sa Aguinaldo Highway sa Barangay San Agustin 1, Dasmarinas Cavite.
Nagsimulang mag-opisina ang buong team ng GDFI –Cavite sa naturang lugar noong December 1, 2009.
Ang lugar ay napili nina Eugene Jaminola, branch manager ng GDFI-Dasmarinas at Sam Carino dahil sa pagiging accessible nito sa publiko.
Malapit ang bagong tanggapan sa SM at Robinsons’ Dasmarinas gayundin sa Kidz World, isang resort at sikat na team building venue.
Naniniwala ang buong GDFI-Dasmarinas team na sa kanilang bagong tanggapan ay mas madali silang matagpuan ng kanilang mga target barrowers.
Bukod dito, ang bagong tanggapan ay napapalibutan din ng iba’t ibang uri ng negosyo na posibleng mangailangan ng financial assistance na mababa ang interes at madaling maaprubahan.
Ang GDFI ay isang financing firm sa bansa na nagbibigay ng low-interest loans at handang tumulong sa mga kababayan nating nangangailangan ng financial assistance sa pamamagitan ng easy at affordable loans.
Ang GDFI ay may iba’t ibang uri ng loans na makakatulong sa iba’t ibang uri ng pangangailangan ng isang indibidwal mula sa ordinaryong indibidwal hanggang sa isang propesyunal.
Gayunman, sa GDFI hindi kailangan ang maraming pasikot-sikot at pahirap dahil misyon nito ang pagbibigay ng low interest loans ng walang hassle at madaling ma-manage.
Para sa mga kababayan natin sa Cavite na nangangailangan ng karagdagang impormasyon hinggil sa mga low-interest loan ng GDFI, maari po tayong tumawag sa mga numerong : (046) 416-6815 to 17